Kasalukuyan ngayong ipinagdiriwang ng San Mariano, Isabela ang ika-90 taon na pagkakatatag ng naturang bayan.
Ang taunang piesta ay tinaguriang “Aggaw na Yli” ng San Mariano.
Sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan News ay kabilang sa mga nakahanay na aktibidad na nagsimula noong Disyembre 3 at magtatapos sa Disyembre 7, 2017 ay fun run,maskara parade, zumba competition at ang pag-tatanghal ng ibat- ibang artista tulad ng River Maya.
Maliban sa mga nakahanay na aktibidad ay ang itinayong makulay na Christmas Village na kung saan dito ipapakita ang ibat-ibang kaugalian at produkto ng bayan ng San Mariano.
Inaabangan naman ang itatampok na Crocodilus Mindorensis o Burakot sa lokal na katawagan o yung mga maliliit at mahiyain na mga buwaya na ngayon ay pinoprotektahan at may itinakdang reservation para sa mga ito sa bayan ng San Mariano.
Ang pagtatampok sa Crocodilus Mindorensis o Burakot sa Aggaw na Yli Fiesta ay bahagi ng pagpapalaganap sa adbokasiya na kailangang pangalagaan ang naturang uri ng buwaya dahil ito ay endangered specie na.
Pinapangunahan ng Mabuwaya Foundation at ng LGU ang partikular na pagtatampok nito.
Kasabay ng pagdiriwang ay ang pagmamanman ng mga kapulisan at ang pinaigting na police visibility para sa seguridad ng mga mamamayan at mga turistang nais makipamiyesta sa naturang bayan.