Buwayang lumalangoy sa Texas, may kutsilyo sa ulo

535
Image via Erin Weaver

Isang buwaya ang natagpuan na may malaking kutsilyo sa ulo habang lumalangoy ito sa Orchard Lakes Estates, Sugar Land.

Ayon sa nakakitang si Erin Weaver, naglalakad siya sa Orchard Lakes nang makita ang buwaya na may kutsilyo sa ulo na papunta sa kaniya.


Sa kaniyang panayam sa ABC13, “I saw him turn and come swimming towards me, I saw something sticking out of his head. It looked like a steak knife that was sticking out of his head.”

“I don’t know if it was in his eye, but it looked [like] if it wasn’t in his eye it was very close to his eye,” dagdag niya.

Ayon sa kaniya, wala pa naman silang napabalitaan sa lugar na may agresibo nang umatake na buwaya sa mga tao.

“I mean if you walk by and startle them they just go underwater,” paliwanag ni Weaver.

Sinabi niya ring gusto niyang matulungan ito dahil posibleng sinadya itong gawin sa buwaya.

“I want to get help for this alligator, I don’t want to see an alligator swimming around with a knife in his head and suffering. To get a knife in there, someone had to really have thrown it hard or stabbed this poor thing,” pahayag ni Weaver.

Facebook Comments

From Advertisers