Lalaki na may kasong Pagnanakaw, Arestado!

47

*Ilagan City, Isabela- *Huli ang isang lalaki na wanted sa batas matapos na isilbi ang warrant of arrest nito sa Brgy. San Vicente, Ilagan City, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Robert Taguinod, Sr., 46 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. San Andres, City of Ilagan, Isabela.


Hinuli si Taguinod sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Isaac R. De Alban, ng RTC Branch 16, 2nd Judicial Region, Ilagan City, Isabela dahil sa kasong Qualified Theft.

May inirekomendang piyansa naman ang korte na halagang P40,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Dinala na sa Ilagan City Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin nito.

Facebook Comments

From Advertisers