Buwis-buhay na pagse-selfie ng babae sa balkonahe ng isang cruise ship, nakuhanan

(Courtesy Peter Blosic)

Pinagbawalan na ang isang babaeng sumakay sa isang cruise ship matapos makuhaan ang nakakatakot na pagseselfie nito sa balkonahe ng barko, habang binababaybay ang Labadee, Haiti.

Lulan ng Royal Caribbean ship, nakita ng isang pasahero na si Peter Blosic ang hindi kinilalang babae na nakasuot pa umano ng blue bathing suit na nakalagay pa ang kamay sa ulo.

“While on my balcony, I saw the woman climb on her railing. It happened so quickly. Not knowing what her intentions were, I alerted the crew. If I said nothing, and she was going to jump, that would be horrible,” aniya.


Nang makarating sa Falmouth, Jamaica ang barko ay pinaalis ang babae kasama ang kanyang kasintahan.

Sa inilabas na pahayag ng Royal Caribbean spokesperson, ang dalawa ay hindi na maaaring tumuntong na naturang cruise ship kahit kailan.

Ayon sa website ng barko, “The cruise line forbids guests from ‘sitting, standing, laying or climbing on , over or across any exterior or interior railings or other protective barriers.”

Facebook Comments