BUWIS | Malacañang, nagpasalamat sa mga tax payers dahil sa taas ng buwis na nalikom ng pamahalaan

Manila, Philippines – Tiniyak ng palasyo ng Malacañang na hindi mauuwi sa wala ang buwis na ibinabayad ng mga mangagawa sa gobyerno.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap na rin ng impormasyon mula sa Department of Finance kung saan umabot sa 14.3% ng Gross Domestic Product ng bansa noong nakaraang taon ang mula sa buwis.

Mas mataas aniya ito ng 0.6% sa yearly average ng 0.3% kada taon ng nakaraang administrasyon.


Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, dapat lamang pasalamatan ang tax payers sa pagtulong sa gobyerno para makamit ang pinakamataas na tax effort sa loob ng 11 taon.

Bukod din sa mga tax payers ay dapat din aniyang pasalamatan ang mga empleyado ng Bureau of Internal Revenue dahil sa mahusay na pagtatrabaho ng mga ito.
Kaya naman tiniyak ni roque na gagamitin sa tama lalo na sa mga priority programs ng pamahalaan ang nalikom na buwis partikular sa edukasyon, kalusugan, pabahay at infrastructure.

Makakaasa aniya ang mamamayan na ibabalik ng gobyerno sa pamamagitan ng magandang serbisyo ang buwis na ibinabayad ng Sambayanang Pilipino.

Facebook Comments