NOSE JOB | Jessy Mendiola, nagparetoke?

77

Manila, Philippines – Tinawanan lang ni Jessy Mendiola ang komento ng isang netizen tungkol sa umano’y pagpaparetoke niya ng ilong.

Sa kanyang Instagram Post, makikita ang larawan ni Jessy na Confidently Beautiful sa suot niyang Body-Fitted Wedding Gown.

Komento ng Ig User na si @hellowinnieme, sinabi niya na mas gusto raw niya ang mukha ni Jessy noon at sana ay hindi na lang daw nito pinagawa ang kanyang ilong.

Sagot ng 25-year old Actress, hindi siya nagparetoke.

Aniya, kung sakali mang nagparetoke siya ay hindi naman niya ito itatanggi.

Mapapansin naman na tila sanay na si Jessy sa mga komento tungkol sa kanyang physical appearance.

Matatandaang minsan na rin siyang nagsalita tungkol sa body-shaming kung saan sinabi niya na hindi man daw perfect ang katawan niya, hindi ito magiging hadlang para maging confident siya sa kanyang sarili.

Facebook Comments