Buwis na nakokolekta sa mga POGO, pinasasapubliko

 

 

 

Ipinasasapubliko ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Bureau of Internal Revenue ang nakokolektang buwis mula sa mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

 

Bukod dito, pinauungkat din ni Barbers kung sinu-sino ang mga kumita sa paglipana ng kolorum na POGO.

 

Duda si Barbers na maaaring bahagi na lang ng media hype ang sinasabing malaking kita mula sa online gaming firms lalo na’t iniutos na ang pagpapasara sa mahigit 200 ilegal na POGO.


 

Nauna nang sinasabi na bilyung-bilyong piso kada taon ang revenue mula sa POGO industry dahil sa bayad sa real estate, income tax at value-added tax kada taon.

 

Lumalabas aniya ngayon na nasa 12 lamang ang nakarehistrong POGO na lehitimong nakapag ooperate sa bansa.

Facebook Comments