Buwis sa plastic bag, tiyak papasanin ng mamamayan ayon sa ACT Teachers Party-list

Bumoto ng “no” ang ACT Teachers Party-List sa House Bill 4102 o panukalang pagpapataw ng ₱100 sa single-use plastic bag na nakalusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan.

Paliwanag ni ACT Teachers Party-List France Castro, isa na naman itong buwis na sa kadulu-duluhan ay papasanin ng mamamayan.

Ayon kay Castro, kadalasan na walang kontrol ang consumers sa packaging na ginagamit sa goods or products na binibili nila kaya tiyak sa kanila tatama at tatama ang buwis.


Malaking kuwestyon para sa ACT Teacher’s Party-list ang pagdadagdag ng value added tax (VA)T, excise taxes sa panahong lumalalim at lumalawak ang kahirapan at kagutuman sa panahong patuloy rin ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Katwiran pa ni Castro, ang solid waste management at pollution prevention ay dapat pinapapasan sa mga nagpapalabas sa merkado ng mas malaki at mas nakakapanirang solid waste tulad ng producer at seller ng single-use plastics at hindi ang mga consumer.

Facebook Comments