Anak ni DOJ Sec. Remulla, hindi physically present sa pagdinig kanina sa kanyang drug case

Muling ipinagpatuloy ng Las Piñas court ang pagdinig sa drug case ni Juanito Remulla III, ang anak ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla.

Dumalo sa sala ni Las Piñas Regional Trial Court (RTC) Branch 197 Judge Ricardo Moldez II ang mga abogado ni Remulla na sina Atty. Christopher Belmonte at Atty. Pernillo Campanilla.

Present naman virtually ang nakababatang Remulla.


Ito na ang ikaapat na pagdinig sa kasong illegal drug importation ng anak ng kalihim ng DOJ.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag sa media ang mga abogado ni Remulla dahil sa subjudice rule.

Facebook Comments