BUY-BUST | 2 babae, arestado sa iligal na droga sa Dasmariñas, Cavite

Dasmariñas, Cavite – Kalaboso ang dalawang babae sa ikinasang buy-bust operation sa Dasmariñas, Cavite.

Kinilala ang mga nadakip na sina Jamila Sultan Alonto alyas “Gemma Jose” at Lanie Jarique Garcia.

Narekober sa mga suspek ang aabot sa P3.3 milyong halaga ng 300 gramo ng shabu, P1000 bills na marked money at isang sachet ng shabu na may timbang na 150 gramo.


Isinagawa ng Cavite Police Provincial Intelligence Branch (PIB) ang operasyon sa Block 49 Lot 11 Waling-Waling Street, Barangay Datu Esmael kung saan na nasakote ang mga suspek babae matapos ang tip ng isang impormante.

Facebook Comments