SUICIDE? | Korean national, nagbigti sa Ermita, Maynila

Manila, Philippines – Wala nang buhay ng matagpuan ang isang Korean national matapos itong magbigti sa tinutuluyang condominium sa Adriatico Street, Ermita, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Song Jae Young, 48-anyos na pansamantalang nanunuluyan sa Robinson Tower 3, sa Adriatico Street, Ermita.

Sa ulat, nadiskubre ang insidente nang puwersahang buksan ang kuwarto ng biktima dahil hindi na ito lumalabas ng kanyang silid.


Napag-alaman na may asawang Pinay ang biktima na nakilalang si Grace Delvo na residente ng Angeles, Pampanga kung saan iniimbestigahan na kung may foul play na nangyari.

Facebook Comments