BUY-BUST | 4 na sangkot sa ilegal na droga, sawi sa magkakahiwalay na operasyon sa Batangas

Batangas – Patay ang apat na indibidwal na sangkot umano sa iligal na droga sa ikinasang magkakahiwalay na operasyon sa Batangas.

Kinilala ang dalawa sa mga napatay na sina Marcelito Javier, Lider Umano ng Marcelito Javier drug group at isang alyas Milca.

Sa operasyong laban kay Javier sa bayan ng Sto. Tomas, nakuha rito ang P5,000 na marked money, isang caliber .45, isang caliber .38 na baril at isang cellphone na naglalaman umano ng mga iligal na transaksyon ni Javier.


Ayon sa mga awtoridad, pangatlo si Javier sa bilang ng mga high value target sa buong Region IV-A at kasama rin sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, napatay din sina Erwin Mission at Ezekiel Reyes matapos mauwi sa engkwentro ang isang buy-bust operation sa bayan ng Lipa.

Nakuha mula sa mga napatay suspek ang isang kilo ng marijuana, ilang sachet ng shabu at dalawang caliber .45

Facebook Comments