MANANAGOT | Dating TV personality na nagpadala ng bomb threat sa ilang airline, kinasuhan

Manila, Philippines – Kinasuhan sa Department of Justice (DOJ) ng PNP anti–cybercrime group ang dating TV personality at dating flight stewardess na si Janette Alano Tulagan.

Paglabag sa Presidential Decree Number 1727 ang isinampa ng PNP laban kay Tulagan.

Noong Biyernes, inaresto si Tulagan sa kanyang bahay sa Barangay Holy Spirit, Quezon City matapos matunton ng mga otoridad ang IP address ng email na ginamit sa pagpapadala ng bomb threat sa ilang airline company.


Hulyo nitong taon nang makatanggap ang ilang airline companies ng email mula sa email address na abubakarsahid@yahoo.com kung saan nakasaad dito na sasabog daw ang bomba sa July 13 sa lahat ng eroplano na may biyaheng Manila-Kuala Lumpur.

Facebook Comments