BUY-BUST | Drug pusher na kalalaya lang, kulong na naman sa Valenzuela

Valenzuela City – Balik-kulungan ang isang drug pusher matapos na mabilhan ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Karuhatan, Valenzuela City.

Nabatid na kalalaya lang nitong Marso ng suspek na si Joseph Laganina.

Ayon kay Police Senior Inspector Albert Juanillo, commander ng PCP-9 ng Valenzuela PNP – nakatanggap sila ng report na may alyas “Boy” na nagbabagsak ng shabu sa Barangay Karuhatan.


Nasabat sa kay Laganina ang P30,000 halaga ng shabu bukod pa ang P3,000 pisong buy-bust money at mga drug paraphernalia.

Todo-tanggi naman ang suspek at iginiit na passport lang ang nakuha sa kanya ng mga pulis nang siya ay damputin.

Hinihintay lang din daw niya ang kanyang mga kaibigan nang bigla siyang hulihin.

Facebook Comments