BUY-BUST | Empleyado ng LTO, arestado sa Cagayan de Oro

Cagayan de Oro City – Timbog ang isang empleyado ng Land Transportation Office (LTO) sa isang drug buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Cagayan de Oro City.

Kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino ang arestado na si Michael Rey Belisario Laureta, 44-anyos, transportation regulation officer II ng LTO, Region 10.

Ayon kay Aquino, maituturing na high-value target drug personality.


Nalambat si Laureta ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Regional Office sa pamumuno ni Director Wilkins Villanueva at ng local police sa Inabanga Street, Zone 1, Bulua, Cagayan de Oro City.

Nasamsam sa suspek ang tatlong piraso ng sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 0.2 gram, mga drug paraphernalia at buy-bust money.

Kakasuhan si Laureta ng kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments