BUY-BUST | Higit P500,000 na droga, nasamsam sa Parañaque

ParaƱaque City – Nasabat ng mga awtoridad sa isang 20-anyos na babae ang mahigit P500,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa ParaƱaque City.

Nakuha mula sa suspek ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P520,000 at isang 9mm na baril.

Patuloy namang pinaghahanap ang umano ay kasabwat nito na may alyas na Tamy.


Inihahanda na ang mga kaukulang kaso laban sa suspek.

Facebook Comments