RAPE CASE | Construction worker, arestado sa Makati

Makati City – Arestado ang isang construction worker matapos umanong manghalay ng 11-anyos na babae sa Pembo, Makati City.

Kinilala ng Makati Police ang suspek na si Edmon Ocampo, 21-anyos, na inireklamo ng ina ng batang hinalay umano nito.

Ayon sa ina ng biktima, natuklasan niyang planong itanan ni Ocampo ang kaniyang anak matapos mabasa ang online chat ng dalawa.


Pero iginiit ni Ocampo, may relasyon sila ng bata na nakatira malapit sa construction site kung saan siya nagtatrabaho.

Sabi naman ni Makati Police Chief Senior Superintendent Rogelio Simon, baluktot ang katuwiran ng suspek at wala siyang lusot sa kaso.

Lumabas sa medico legal na ilang beses nang ginalaw ng suspek ang bata.

Facebook Comments