BUY-BUST | Lalaking nagbebenta ng shabu na may halong dinurog na kendi, huli!

Quezon City – Arestado ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Bagbag, Quezon City.

Kaagad na inaresto ang suspek na si Ryan Ceblano at kasabwat nitong menor de edad.

Ayon kay Police Senior Inspector Dennis Francisco, hepe ng SDEU, Intelligence Branch-QCPD Station 4, umorder ang nagpanggap na buyer ng 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng halos P200,000.


Nadiskubre naman ng mga awtoridad na hindi puro ang shabu na kanilang nakuha.

Nabatid na dalawang gramo lang ang tunay na shabu at ang iba ay dinurog na kendi na.

Facebook Comments