BUY BUST OPERATION | 2 drug suspek, arestado sa Pateros

Pateros – Kulungan ang bagsak ng dalawang drug suspek matapos mahuli sa ginawang buy bust operation sa Pateros.

Kinilala ang mga suspek na sina Alberto Mariano at Ricky Becta.

Ayon sa station drug operation unit ng Pateros Police, target sa operation ang isang babae na nakilalang si Betty Ofiana.


Nakipagkita ang mga suspek sa poseur buyer sa bahagi ng Panday Paltok, Barangay Sta. Ana at matapos ang transaksiyon ay dinakip ang mga ito.

Narekober sa dalawa ang ginamit na buy bust money at isang pakete ng hinihinalang shabu kung saan nakatakas naman ang babaeng suspek.

Facebook Comments