BUY-BUST OPERATION | Kalahating kilo ng shabu, nasabat sa Legazpi City

Legazpi City – Nasabat ng mga otoridad ang nasa kalahating kilo ng shabu na nagkakahalagang ₱3 milyon sa isinagawang buy-bust operation sa Legazpi City.

Target ng operasyon ang big time drug pusher na si Myla Panuncio na residente ng Pasay City kung saan hindi na ito nakapalag pa ng masakote ng mga pulis.

Sa ulat, nakipag-transaksyon ang suspek sa isang poseur buyer sa Barangay Puro at nakuha sa kaniyang ang mga iligal na droga.


Todo tanggi ang suspek sa mga paratang sa kanya pero napag-alaman na siya rin ang source ng iligal na droga ng ilang mga nahuli sa mga drug operations sa rehiyon.

Facebook Comments