BUY BUST OPERATION | Number 1 high value target sa Cebu at isang police officer, patay

Manila, Philippines – Patay ang isang Jovelio “Juvei” Franza, Top 1 High Value Target sa Minglanilla Cebu ang isang Police officer na kinilalang si PO2 Evie Espina matapos na magkabarilan ang mga ito sa isinagawang buy bust operation kahapon ng hapon.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP) nagsasagawa ng buy bust operation ang tropa ng Station Drug Enforcement Unit, Cebu Police Provincial Office sa Sitio Bacay, Tulay Minglanilla Cebu laban sa nasawing suspek at dalawa pa nitong kasama pero natunugan ng mga suspek na nakikipag-transaksyon na sila sa mga pulis kaya nagkaroon ng palitan ng putok.

Nakorner ng mga pulis ang suspek na si Franza pero nakipagbarilan pa rin ito kaya nasawi habang nakatakas ang dalawa nitong kasama.


Tinamaan naman ng bala ng baril sa ulo si PO2 Espina na naisugod pa sa South General Hospital sa Naga City pero nasawi rin habang ginagamot.
Nakuha mula sa nasawing suspek ang isang unit ng 9mm baretta with markings PNP Property, na sa kalaunay natukoy na pagaari ng isang SPO4 Razul Dela Pena Segismar na nasawi sa pananambang noong February 14, 2015 sa Poblacion ward 2 Minglanilla Cebu.

Narekober rin dito ang isang malaking plastic pack na naglalaman ng hinihinalang shabu, dalawang medium plastic pack na naglalamang ng hinihinalang shabu at isang maliit na plastic pack na naglalaman ng shabu.

Nakuha rin ang 25 piraso ng triangular-shaped plastic sachets na naglalaman ng shabu, Isang Rusi green motorcycle at isang unit hand grenade.

Sa ngayon nagpapatuloy ang Hot Pursuit Operation ng pulisya laban sa mga kasama ng nasawing drug suspek.

Facebook Comments