NIRATRAT NG UZI | Misis na nakapatay sa asawang pulis, kinasuhan na!

Manila, Philippines – Sinampahan na ng kasong parricide ang misis na nakapatay sa kanyang asawang pulis sa Barangay Batasan, Quezon City.

Inaalam ngayon ng mga otoridad ang kundisyon sa pag-iisip ni Josan Capili, misis na nakapatay kay PO2 Angelo Capili na nakatalaga sa Fairview Police Station.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit, mismong ang baril na uzi ni PO2 Capili ang ginamit sa pagpatay.


Lumalabas na sinamantala ng ginang habang mahimbing na natutulog ang asawa saka nito inubos ang bala ng uzi sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ng pulis.

Ayon kay QCPD Dir. Pcsupt. Guillermo Eleazar, bukod sa mental condition isa rin sa tinutukang motibo ang kinikimkim na matinding galit ng misis dahil sa labis na pagpapahiya sa kanya.

Batay sa pahayag ng ilang kapitbahay ng pamilya Capili, lagi umanong minumura ng pulis ang asawa kahit sa harapan ng maraming tao.

Bukod sa Uzi na pinaniniwalaang ginamit sa krimen, narekober din ng mga otoridad ang 9mm Service Firearm at pitong basyo ng bala.

Facebook Comments