Laguna – Naaresto na sa isang buy-bust operation ang ikatlo sa drug watch list ng San Pablo City Police.
Ayon sa pulisya, positibo silang nakabili ng droga sa suspek na kinilalang si Ritchie Celerio.
Nakakuha mula sa suspek ng apat na sachet ng shabu at hindi lisensyadong baril.
Nabatid na si Celerio ay responsable sa talamak na bentahan ng ilegal na droga sa kanilang lugar..
Bukod sa kasong may kaugnayan sa illegal drugs, nahaharap rin si Celerio sa kasong Illegal Possession of Firearms.
Facebook Comments