PANANAGUTIN | Pulis na nakapatay ng kaniyang kabaro sa Iloilo, kinasuhan na

Iloilo – Kinasuhan na ang pulis na nakabaril sa kaniyang kapwa pulis sa headquarters ng 602nd Regional Mobile Force Battalion sa Barangay Guadalupe, Janiuay, Iloilo.

Ayon kay Senior Inspector John Paul Guay, hepe ng Janiuay Police Station, kasong murder ang isinampa laban kay PO1 Christian Kenneth Senon sa Iloilo Provincial Prosecutor’s Office.

Si Senon ang nakapatay kay PO1 Melchor Casipe Jr., na kasamahan din nito sa Regional Mobile Force Battalion.


Nabatid na bago ang insidente ay magkasamang nag-inuman ang dalawang pulis kung saan kinuwestyon ng suspek ang biktima kung bakit hindi ito sumasama sa formation.

Lumalabas rin sa imbestigasyon na seniority ang ugat ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang pulis.

Facebook Comments