Biyahe ng mga barko, back to normal na-PPA

Normal na ulit ang operasyon ng mga sasakyang pandagat.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Daniel Santiago na bagama’t may mangilan-ngilan pang mga pasaherong stranded, hindi ito dahil sa bagyo, kundi dahil sa matagal na turnaround time ng mga barko.

Nagkaroon kasi aniya ng kakulangan sa barko dahil sa pagtigil ng paglalayag ng mga ito sa nagdaang mga araw dulot ng sama ng panahon.


Gayunpaman, sinabi ni GM Santiago na nabawasan na ngayon ang bilang ng mga pasahero na stranded sa mga pantalan.

Kasunod nito, pinaghahandaan narin nila ang posibleng pananalasa ng Bagyong Kiko.

Facebook Comments