Manila, Philippines – Aabot sa 5,000 OFW na bahagi ng initial batch ang inaasahang lilipad na patungong Kuwait.
Ito ay matapos alisin ang total deployment ban ng mga Pilipinong manggagawa sa Kuwait.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang 5,000 OFW ay dapat nakaalis nitong Pebrero pero napigilan sila dahil sa ipinatupad na ban.
Mayroon pa aniya na 15,000 OFW ang susunod kapag naproseso na ang kanilang mga dokumento sa PHilippine Overseas Employment Administration (POEA).
Facebook Comments