BYAHENG-KUWAIT | Pagpapadala ng Filipino skilled at semi-skilled workers sa Kuwait, pinayagan na ng gobyerno

Manila, Philippines – Pinayagan na ng gobyerno ang pagpapadala ng mga Pinoy na skilled o semi-skilled worker sa Kuwait.

Ito ay matapos malagdaan ang kasunduang nagbibigay proteksiyon sa mga manggagawang Pinoy sa Kuwait.

Ayon kay Presidential Harry Roque, sa katunayan paalis na ng bansa ang nasa 20,000 semi at skilled workers papuntang Kuwait kung saan may naghihintay na trabaho para sa mga ito.


Pero paglilinaw naman ni Roque, nananatili parin ang deployment ban para sa mga Household Service Workers (HSW).

Sinabi naman ni Labor Secretary Silvestre Bello na dapat munang bantayan kung magiging epektibo ang kasunduan.

Sa datos ng Philippine Association of Agencies for Kuwait, nasa 20,000 manggagawa ang naapektuhang ng tatlong buwang deployment ban kung saan 12,000 rito ay mga ay mga HSW.

Facebook Comments