Byudo, Inaresto sa Gitna ng ECQ Dahil sa Kasong Pangingidnap!

64

Cauayan City, Isabela- Hawak ng mga alagad ng batas ang isang lalaki na wanted sa batas matapos na maaresto sa gitna ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine sa Brgy. Battalan, Lasam, Cagayan.

Dinakip ng pinagsanib na pwersa ng PNP Lasam at Rizal ang akusado na si Wilmer Tabuc, 36 anyos, byudo, magsasaka dating residente ng Brgy. Bural, Rizal, Cagayan at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Battalan, Lasam, Cagayan.


Si Tabuc ay inaresto sa bisa ng alias warrant of arrest na inisyu ni hukom Edmar P Castillo Sr, ng RTC Branch 11, Tuao, Cagayan dahil sa tatlong (3) beses na kasong Kidnapping with Homicide.

Nasa kustodiya ngayon ng PNP Lasam si Tabuc at posibleng hindi na makalabas ng kulungan dahil walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments