Kathryn Bernardo, ipinakita ang soft side ni Daniel Padilla sa kanyang sweet birthday video

Isang video compilation ang ginawa ni Kathyrn Bernardo para sa onscreen partner at boyfriend na si Daniel Padilla sa ika-25 birthday nito kahapon.

Ipinakita ni Kathyrn sa nasabing video ang pagiging carefree at sweet side ni Daniel na siya lang daw ang nakakakita kapag sila lang dalawa.

May kasama rin sweet message ni Kathyrn ang 2 minute clip na ipinost ng aktres sa kanyang instagram.


Kasabay ng pagbati ng happy birthday, sinabi ni Kat na si Daniel ang living proof na nag-iexist ang mabubuting lalaki sa mundo.

Bukod sa video, may pinost din si Kathyrn na collage picture ni Daniel na “favorite side” ng aktres.

Facebook Comments