Nagpaabot ng pakikiramay ang Bangsamoro Government sa pamilya ng mga nasawi sa pagbagsak ng C-130 military cargo plane sa Sulu.
Ayon kay Minister Naguib Sinarimbo, Bangsamoro Government Spokesperson at Pinuno ng Rapid Emergency Action Response on Disastern Incidence (READi) sa ilalim ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG), ang eroplano ay maghahatid sana ng COVID-19 medicines at supplies at equipment sa rehiyon.
Sinabi ni Sinarimbo na sumakay din sila sa naturang C-130 plane kasama any kanyang team mula sa MILG tatlong linggo na ang nakararaan.
Ang nasabing eroplano ay ginamit din para sa sunduin ang mga empleyadong na-stranded sa isla sa loob ng dalawang araw.
Ipinapaabot nila ang kanilang simpatya sa liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa panahong ito.