Milwaukee Bucks, abante na sa finals matapos talunin ang Atlanta Hawks

25

Diretso na sa finals ng National Basketball Association (NBA) ang Milwaukee Bucks matapos muling mamayani sa Game 6 laban sa Atlanta Hawks, 118-107.

Wagi ang Bucks matapos ang halos kalahating siglo na pag-aantay sa kabila ng ikalawang pagkakataon na hindi pa rin nakapaglaro ang kanilang two-time MVP na si Giannis Atentokounmpo.


Nanguna sa laban si Khris Middleton na kumamada ng 32 points kabilang na ang 16 straight points sa third quarter, upang tulungan ang Bucks na makarating sa NBA Finals sa unang pagkakataon mula pa noong taong 1974.

Gumawa rin ng eksena para sa Bucks si Jrue Holiday na nag-ambag ng 27 points habang apat pang ibang players ang nagtala ng double figures.

Ang Game 1 ng NBA Finals ay magsisimula na sa July 7 sa Miyerkules sa teritoryo ng Suns.

Facebook Comments