Matapos na mag-inhibit ang unang mga justices ng Court of Appeals (CA) na naatasang magresolba sa petition ng Office of the Solicitor General (OSG) sa kasong kudeta ni Senator Antonio Trillanes IV, may bago nang kumposisyon na ng mga mahistrado na mag-aaral sa petisyon ng OSG.
Partikular ang CA 7th Division na pinamumunuan ni CA Justice Sesinando Villon kasama sina Justices Germano Legaspi at Edwin Sorongon na siya namang susulat ng desisyon sa kaso.
Una nanng nag-inhibit ang unang kumposisyon ng CA Justices o ang 16th Division dahil sa personal na dahilan.
Bunga nito, muling ini-raffle ang kaso at napunta ito sa 7th Division.
Magugunitang ibinasura ng Makati RTC Branch 148 ang kahilingan ng DOJ na magpalabas ng alias warrant of arrest at Hold Departure Order (HDO) laban kay Trillanes sa kasong kudeta.
Maging ang partial motion for reconsideration ng DOJ ay ibinasura din ng Makati court kung kaya at umakyat na ang Justice Department at OSG sa Court of Appeals (CA).