CA, ibinasura ang petisyon para baliktarin ang suspensiyon laban kina Cebu City Mayor Rama at iba pa

Ibinasura ng Court of Appeals (CA), ang petisyong inihain ng suspendidong si Cebu City Mayor Michael Rama at pito pang opisyal ng City Hall.

Kaugnay ito sa suspension order na inisyu laban sa kanila ng Office of the Ombudsman.

Sa inilabas na resolusyon ng Appellate Court, nabigo ang mga opisyal na maglatag ng sapat na dahilan kung bakit hindi sila humanap ng ibang legal remedy bago maghain ng petition for certoriari.


Ibig sabihin, dapat munang maghain ang petitioners ng motion for reconsideration sa Ombudsman sa ilalim ng Rules of Court.

Dahil dito, ibinasura ng CA ang hiling nina Rama para maglabas ng Temporary Restraining Order at injunction laban sa naging hatol sa kanila.

Kinasuhan ang alkalde at ilang opisyal dahil sa hindi umano pagpapasahod sa apat na kawani ng Cebu City Hall sa loob ng sampung buwan.

Facebook Comments