Pinoy na nasaktan sa turbulence sa Singapore-bound flight, nasa ICU – DMW

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na ang ika-limang Pilipinong nasaktan sa matinding turbulence sa Singapore Airlines flight ay nasa Intensive Care Unit (ICU) ngayon sa ospital sa Thailand.

Ito ay matapos na maging ‘unconscious’ ang 62 taong gulang na Pinoy.

Ayon sa DMW, patuloy na mino-monitor ng mga doktor sa Thailand ang kalagayan ng Pinoy.


Binabantayan naman anila ito ng kanyang lalaking pamangkin na nakabase sa Bangkok.

Ang isa pang babaeng OFW na nagkaroon ng neck fracture ay nakatakdang operahan mamayang gabi.

Tiniyak naman ng DMW na sasagutin ng Singapore Airlines ang gastusin sa ospital ng mga nasaktan na Pinoy.

Facebook Comments