CA, kinatigan ang desisyon ng Taguig RTC kaugnay sa petition for certiorari ng kampo ni Vhong Navarro

Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang petition for certiorari na isinampa ng kampo ng aktor na si Vhong Navarro.

Taliwas ito sa iginiit ng kampo ni Navarro na nagkaroon ng pag-abuso sa discretion ang Taguig Regional Trial Court (RTC) sa desisyon nitong ipawalang sala sa kasong grave coercion ang akusadong si Jed Fernandez.

Ayon sa appellate court, kapwa binigyan ng patas na pagkakataon ang magkabilang panig upang marinig ang kanilang mga apila.


Sa desisyon ng appellate court walang nakitang pag-abuso sa panig ng hukuman at nabigo ang prosekusyon na patunayan beyond reasonable doubt ang pagkakasangkot ni Fernandez.

Ayon pa sa CA, hindi maaring i-apela ang judgment of acquittal lalo na’t si Navarro ay walang legal standing para maghain ng petition for certiorari.

Ito ay dahil wala siyang consent mula sa Office of the Solicitor General (OSG) na siyang kumakatawan sa estado.

Nauna nang sinampahan ni Navarro ng kasong grave coercion sina dating model Deniece Cornejo, businessman Cedric Lee at iba pa.

Facebook Comments