Aminado ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na luma na ang Communications, Navigation, and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) System nila.
Ayon sa CAAP, taong 2019 pa nang simulan gamitin ang nasabing equipment.
Anila, ang naturang equipment ay pinondohan pa noong 2017 ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa halagang ₱10.8 billion.
Kinumpirma naman ng CAAP na nagsumite na sila ng rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para maisaayos ang air traffic management system ng bansa.
Natalakay na rin aniya ito sa pangulo ni Transportation Sec. Jaime Bautista.
Facebook Comments