Tatlong insidente ng indiscriminate firing, naitala ng PNP sa pagsalubong ng Bagong Taon; dalawang katao, sugatan dahil sa stray bullet

Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng tatlong insidente ng indiscriminate firing at stray bullet incident.

Ito ay mula December 31 hanggang January 1, 2023.

Sa Laging Handa briefing sinabi ni PNP Public Information Office Chief PCol. Redrico Maranan, ang tatlong indiscriminate firing ay nangyari sa Iloilo, Quezon City at lungsod ng Maynila.


Ang lahat aniya ng mga iligal na nagpaputok ng baril ay agad naaresto at ngayon ay nahaharap na sa kaso.

Dalawang katao naman ang naitalang sugatan matapos tamaan ng ligaw na bala kung saan naaresto rin ang mga salarin.

Nilinaw ni Maranan na walang pulis at walang sundalo ang nasangkot mula sa tatlong indiscriminate firing, maliban noong Pasko na may dalawang pulis ang naitala mula sa Batangas at Pangasinan.

Facebook Comments