CAAP AT MIAA officials, nagsasagawa ng assessment sa naia facilities, pag-resume ng flights, hindi pa matiyak

Nagsasagawa ngayon ng assessment ang mga opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) hinggil sa sitwasyon ng NAIA facility.

Ito ay para ma-determina kung papayagan na ang operasyon ng flights.

Kabilang sa ikinukunsidera ng aviation authorities ang estado ng ash clouds sa NAIA aerodrome gayundin ang ash fall sa runways at taxiways.


Papayagan lamang ang nga eroplano na lumalag at magtake-off kapag ang airspace at runways ay clear na sa volcanic debris at kapag tumigil na ang ashfall.

Pinapayuhan naman ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airlines at huwag basta tutungo sa airport.

Facebook Comments