CAAP, bukas sa paghihiwalay ng kanilang regulatory at commercial functions

Pabor ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa isinusulong na paghihiwalay sa regulatory at commercial functions ng CAAP.

Sa harap ito ng imbestigasyon sa nangyaring technical glitch noong Bagong Taon kung saan daan-daang flights ang nakansela.

Samantala, kinumpirma ni CAAP Spokesman Eric Apolonio na may 3rd party na magva-validate sa resulta ng ginawa nilang imbestigasyon sa nasabing aberya.


Layon aniya nito na matiyak na magiging patas ang sariling imbestigasyon ng CAAP.

Asahan na aniya na lalabas ang resulta ng pagsisiyasat sa mga susunod na araw kung saan dito matutukoy kung sino ang dapat na managot sa insidente.

Facebook Comments