CAAP, magpapatupad ng no-fly zone sa Batasan Complex sa SONA ng pangulo

41

Magpapatupad ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng no-fly zone sa House of Representatives (HREP) sa Batasan Complex sa Quezon City.

Layon nito na matiyak ang kaligtasan ng lahat na dadalo sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes.


Epektibo ang no-fly zone sa Batasan Complex sa Linggo hanggang sa Martes o sa July 25-27, 2021.

Kaugnay nito, nagpalabas ng NOTAM o Notice to Airman ang CAAP.

Ang No Fly Zone ay paiiralin sa 5 nautical miles radius mula sa ground o 10,000 feet AMSL (above mean sea level) sa Batasan Pambansa.

Facebook Comments