PNP personnel na naging infected ng COVID-19 halos 30,000 na

20

Umabot na sa 29,541 na tauhan ng PNP na nagpositibo sa COVID 19, sa bilang na ito 28,308 ang nakarekober, 1,154 ang aktibong kaso at 79 ang nasawi.

Kasama na sa bilang na ito ang 109 na bagong recoveries at 71 bagong kaso na naitala ng PNP Health Service ngayong araw.


Ayon kay PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar, nitong mga nakalipas na araw kapansin-pansin ang pagtala ng mas mababang bilang ng mga bagong kaso at mas maraming recoveries.

Sinabi ni Eleazar na makikita sa datos ang epekto ng pagbabakuna sa kanilang mga tauhan para maprotektahan laban sa COVID-19.

Sa kasalukuyan 68,372 o 31.30% ng PNP personnel ang nabakunahan kung saan 22,938 ang nakakumpleto na ng pangalawang dose.

Facebook Comments