CAAP, nagbabala sa publiko laban sa mga humihingi ng cash donations para sa Pasko

Nagbigay babala ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP sa publiko laban sa mga indibidwal na nanghihingi ng cash donations.

Paglilinaw ng CAAP na ang mga opisyal at kawani nito ay hindi kailanman manghihingi ng mga donasyon, o pera mula sa sinumang tao.

May mga ulat umano na natanggap ang CAAP na mayroong mga indibidwal na nagpanggap na kinatawan ng tanggapan ng director general na direktang tumatawag sa mga kasosyo/supplier ng ahensya na humihingi ng cash donations para sa darating na kapaskuhan.


Paliwanag ng CAAP, kailanman ay hindi sila tumatawag sa alinman sa kanilang mga supplier, kliyente, o stakeholder upang humingi ng mga donasyon.

Ang mga ganitong gawain anIya ng panghihingi ng donasyon ay hindi pinahihintulutan ng CAAP management.

Hinihimok ng ahensya ang publiko na iulat sa kanilang tanggapan ang anumang mga aktibidad na may kaugnayan sa solicitation upang masampahan ng kaukulang kaso ang nasa likod na gumagamit sa pangalan ng CAAP para mangolekta ng pera.

Facebook Comments