CAAP, naghahanda na para sa posibleng pagtama ng Super Typhoon “Betty”

Nagpapatupad na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng mga hakbang sa pag-iingat sa posibleng pagtama ng Super Typhoon “Mawar,” na may lokal name na “Betty.”

Matatandaang nag-anunsyo na ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng super typhoon category ng Mawar noon pang Martes at maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Biyernes o Sabado, Mayo 26 o 27.

Ayon sa CAAP, ang mga paliparan na matatagpuan sa loob ng posibleng daanan ng Mawar o Betty ay sa rehiyon ng Ilocos at mga paliparan sa Cagayan Valley kung kaya nakahanda na rin ang Malasakit Help Kits kasama ang food packs na ipapamahagi rin sa mga apektadong biyahero.


Samantala, bukod sa mga plano sa paghahanda sa bagyo, ang CAAP Tacloban ay nagsagawa rin ng regular na in-airport incident drill, bilang bahagi ng patuloy na pagtiyak at kahandaan sa paparating na bagyo.

Facebook Comments