Naglabas na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng Notice to Airmen (NOTAM) kaugnay ng abnormalidad ng Taal Volcano at Bulkang Mayon sa Albay.
Sa naturang abiso, pinapayuhan ang mga piloto na iwasan ang dumikit sa naturang mga bulkan ng 10,000 feet partikular sa tuktok nito dahil mapanganib sa mga eroplano ang ibinubuga nitong abo.
Sa ngayon, ang Mayon Volcano ay nasa Alert Level 2 habang ang Taal Volcano ay nasa Alert Level 1.
Ang Bulkang Mayon ay patuloy na nagbubuga ng mga bato.
Ang CAAP ay may 7 airport na ino-operate sa Bicol Region kabilang na ang Bulan Airport, Sorsogon Airport, Daet Airport, Masbate Airport, Naga Airport, Virac Airport at Bicol International Airport.
Facebook Comments