Nagpaalala ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa mga sasakay ng eroplano na iwasan ang pagdadala ng mga ipinagbabawal na items.
Layon nito na hindi maabala ang mga pasahero sa screening ng mga bagahe sa airport.
Lalo na’t mahigpit ang health protocols na pinaiiral ngayon sa mga paliparan dahil sa COVID-19 pandemic.
Inaasahan ng CAAP ang malaking volume ng mga pasahero hanggang sa December 31.
Bukod sa CAAP, naka-heightened alert din ngayong Yuletide season, ang iba pang government agencies na nag-o-operate sa mga paliparan.
Kabilang dito ang Office of Transportation Security (OTS) at ang Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP).
Pinaaalalahanan din ang mga pasahero na maghanda ng valid health forms at Local Government Unit (LGU) requirements para hindi sila maabala sa kanilang pagbiyahe.