Reaksyon ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa komento sa kaniyang Instagram post, kinagiliwan ng netizens

Kinagiliwan ng netizens ang naging reaksyon ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa mga komento sa larawan nila ng kaniyang ama na si Vic Sotto at kapatid na si Tali.

Sa comments section ng Instagram post ni Vico, isang female netizen ang hindi napigilang tawagin ang alkalde ng “Love.”

Tinawag din ng netizen na “Daddy” si Vic habang may isa pang netizen na tinawag si Vico na “Papa.”


Sa hiwalay na Instagram story, ni-repost ni Vico ang screenshot ng mga comment at sinabing minsan ay nalilito na siya sa mga ito.

Natatawang pinuna naman ng ilang netizen ang pagiging funny ni Vico.

Facebook Comments