Nagsasagawa na ng sariling imbestigasyon ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa nangyaring aberya kahapon sa uninterruptible power supply (UPS) equipment ng CAAP.
Ayon sa CAAP, inaalam na rin sa imbestigasyon ang main cause ng power supply problem.
Partikular na tumututok sa imbestigasyon ang Aerodrome and Air Navigation Safety Oversight Office (AANSOO) ng CAAP.
Tiniyak naman ng CAAP na walang flight na nalagay sa peligro bunga ng aberya ng UPS equipment.
Matagumpay pa rin aniya kasing na-manage ng kanilang mga tauhan ang air traffic kahit na hindi na gumagana ang UPS equipment.
Facebook Comments