Halos 50,000 na pasahero sa mga pantalan, naitala sa unang araw ng taon

Umabot sa 49,064 na pasahero ang dumagsa sa mga pantalan sa unang araw ng taon.

Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), kahit pa ipinagdiriwang ang Bagong Taon ay dumagsa ang 27,020 outbound passengers at 22,044 inbound passengers sa mga pantalan sa buong bansa.

Nasa 1,901 frontline personnel din ang itinalaga ng coast guard kung saan ininspeksyon ang 161 na barko at 492 motorbancas.


Samantala, wala namang napaulat na na-stranded na pasahero sa mga pantalan kahapon.

Facebook Comments