CAAP, naka-alerto na sa mga airport na dadaanan ng Bagyong Paeng

Tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nakahanda na ang kanilang mga tauhan sa mga lugar na dadaanan ng Bagyong Paeng.

Ayon sa CAAP, partikular na naka-alerto ngayon ang mga airport sa Luzon at Visayas.

Sa Bicol Region anila, nagsagawa na ng pre-typhoon coordination meetings at assessments ang Bicol International Airport.


Tiniyak naman ng CAAP na normal ang operasyon ng airports sa Bicol tulad ng Legazpi, Bulan, Sorsogon, Daet, at Virac.

Gayundin sa airports sa Region 6 tulad ng Iloilo, Bacolod-Silay, Kalibo, Antique, at Roxas.

Ang suspendido lamang ngayon ay ang administrative office work sa CAAP Marinduque, Catanduanes, Masbate, at Tacloban, alinsunod na rin sa executive order ng Local Government Units dahil sa bagyo.

Facebook Comments