CAAP, naka-monitor sa posibleng aftershocks ng nangyaring lindol sa Luzon kanina

Naka-antabay ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa posibleng aftershocks ng naganap na magnitude 7.0 earthquake kanina sa Abra.

Tiniyak naman ng CAAP na base sa kanilang ginawang assessment kanina sa passenger terminal sa Northern Luzon airports, wala namang naging pinsala mga paliparan doon at tuloy ang biyahe ng mga eroplano.

Kabilang dito ang airports sa Laoag, Vigan, Lingayen, Baguio, Rosales, at San Fernando; gayundin sa Tuguegarao, Cauayan, Palanan, Bagabag, Basco, at Itbayat.


Sa Regions 2, 3, 4-A at 4-B naman, wala ring naitala ang CAAP na pinsala sa mga paliparan doon.

Partikular sa Plaridel, Alabat, Jomalig, Baler, Iba, Mamburao, Pinamalayan, Calapan, Wasig, San Jose, Lubang, Marinduque, Romblon, Sangley, at Cabanatuan.

Facebook Comments